PARA SA MGA BOTANTENG NAPALIPAT NG LUGAR DAHIL SA MGA WILDFIRE

Ang Iyong Boto ay Naglalakbay naKasama Mo

Kung napalipat ka ng lugar dahil sa mga wildfire, makakatulong kami.

Ang iyong balota ay makakarating pa rin kahit saan ka tumitigil, at makakaboto ka pa rin sa mga distrito ng iyong komunidad. Ginawang simple ng. L.A. County ang magdagdag ng bagong mailing address sa iyong pagpaparehistro.

ISAPANAHON ANG IYONG IMPORMASYON

Pansamantalang titigil sa isang lugar? May bagong address? Sabihin sa amin!

Tumawag sa (800) 815-2666, at piliin ang option 2 para sa tulong sa pagdagdag ng mailing address sa iyong pagpaparehistro.

Hindi mo kailangang baguhin ang anuman sa iyong pagpaparehistro. Basta magdagdag ng mailing address upang ang iyong balota ay maihatid kung nasaan ka ngayon. Ang iyong distrito ng pagboto ay hindi magbabago, kaya makakaboto ka pa rin sa mga lokal na isyu na mahalaga sa iyong kapitbahayan. Narito kung paano:

1

Pumunta sa Portal ng Botante

Pumunta sa opisyal na California Online Voter portal upang simulan ang iyong pagsasapanahon nang ligtas.

Magsimula Ngayon.
2

Beripikahin ang Iyong Pagkakakilanlan

Ipasok ang iyong legal na pangalan, petsa ng kapanganakan, at SSN o numero ng Lisensiya ng Driver sa CA.

3

Isapanahon ng Iyong Address

Ibigay ang iyong pansamantala o permanenteng address upang matiyak na makukuha mo ang iyong balota.

4

Kumuha ng Kumpirmasyon

Suriin ang iyong impormasyon upang kumuha ng agad na digital na kumpirmasyon ng pagsasapanahon.

GAWIN ANG IYONG PLANO SA PAGBOTO NGAYON

Handa nang Gumawa ng Plano sa Pagboto?

Sa sandaling makumpleto ang iyong pagpaparehistro, oras na upang Gumawa ng Plano sa Pagboto. Ang kasangkapang ito ay gagabay sa iyo sa mga opsyon mo sa bawat hakbang, mula sa pagpili kung paano mo ipapatala ang iyong balota hanggang sa paghahanap ng pinakamalapit na Kahong Hulugan ng Balota o Sentro ng Pagboto.

HUMANAP NG MAHAHALAGANG SERBISYO AT DOKUMENTASYON

Mga Tagatulong ng County para sa mga Residenteng Naapektuhan ng Sunog

Ang mga residente ng L.A. County na tuwirang naapektuhan ng mga sunog ay maaaaring humiling ng mga libreng kopya ng mahahalagang rekord at mga rekord ng ari-arian upang suportahan ang pagbawi ng mga ito.

Tumawag sa (800) 201-8999, opsyon 1, Lunes hanggang Biyernes, 8 AM hanggang 5 PM.

Ang malalapit na miyembro ng pamilya ay maaaring humiling ng mga sertipikadong kopya. Kakailanganin mo ang pangalan sa sertipiko, ang petsa ng event, at iyong relasyon sa nakarehistro.

Kaparehong-araw na personal para sa mga rekord mula 1962 hanggang kasalukuyan. Lahat ng ibang mga kahilingan ay pinoproseso sa loob ng 5 araw ng trabaho.

Tumawag sa (800) 201-8999, opsyon 3 o email RRCCFireAssistance@rrcc.lacounty.gov, Lunes hanggang Biyernes, 8 AM hanggang 5 PM.

Kahit sino ay maaaring humiling ng mga rekord ng ari-arian. Kakailanganin mo ang pangalan ng nagawad o ginawaran at petsa ng pagrekord.

Kaparehong-araw na personal para sa mga rekord mula 1985 hanggang kasalukuyan. Lahat ng ibang mga kahilingan ay pinoproseso sa loob ng 5 araw ng trabaho.