Ang Lupon ng mga Superbisor ng Los Angeles County na mula ngayon ay kasama sa depinisyon ng “County” sa Terms of Use ng Website na ito) ay kumikilala sa inaalala ng publiko tungkol sa pagkapribado sa Internet. Itong pahayag ng pagkapribado ay nagtatatag kung paano ang impormasyon na natipon tungkol sa iyo mula sa iyong pagbisita sa aming website ay gagamitin ng mga nagpapatakbo ng website na ito. Bilang isang bisita, gayunman, dapat malaman mo na marami sa mga impormasyon na isinumite sa County ay pampublikong impormasyon sa ilalim ng mga batas ng Estado ng California. Sa ilalim ng ilang kalagayan, maaaring inaatasan kami na isiwalat ang naturang impormasyon alinsunod sa California Public Records Act o ibang iniaatas ng batas.
Ang sumusunod ay naglalarawan kung paano maaaring tipunin ang impormasyon depende sa iyong mga aktibidad sa website na ito;
Kung nagbabasa o gumagawa ka ng pag-download ng impormasyon:
Maaari naming tipunin at imbakin ang impormasyon para sa mga layuning pang-estadistika. Halimbawa, maaari naming bilangin ang mga bisita sa iba’t ibang mga seksyon ng aming site upang tulungan kami na gawing mas kapaki-pakinabang ang mga ito. Ang mga impormasyon na tinitipon ay maaaring kinabibilangan ng naturang mga bagay na tulad ng pangalan at domain ng host mula kung saan gumagamit ka ng Internet, ang Internet Protocol (IP) address ng computer na ginagamit mo o browser software at operating system. Ang impormasyon na ito ay hindi nagpapakilala sa iyo.
Kung nagpapadala ka ng E-mail sa website na ito:
Sa pagpapadala sa amin ng isang electronic mail message, ikaw ay maaaring nagpapadala sa amin ng personal na impormasyon (iypn ay ang iyong pangalan, address, e-mail address, atbp.). Maaari naming imbakin ang pangalan at address ng humiling upang tumugon sa kahilingan o resolbahin ang paksa ng iyong e-mail.
Kung ikaw ay nagpaparehistro sa isang Departamento o ahensya ng County o humihiling ng ibang ispesipikong impormasyon.
Ang ilang website ng departamento o ahensya ng County ay maaaring magsabi sa mga bisita na humihiling ng ispesipikong impormasyon na punuan ang isang form ng pagpaparehistro Halimbawa, ang mga vendor na humihiling ng access sa Requests for Bids, Requests for Proposals o mga may-ari ng bahay o mga negosyo na humihiling ng mga Permiso, ay maaaring sabihan na magbigay ng kanilang mga pangalan, address, e-mail address at ibang impormasyon upang matiyak na magagawa naming iproseso at ihatid ang impormasyon na hiniling. Ang ibang impormasyon ay maaaring tipunin sa mga site na ito sa pamamagitan ng mga questionnaire, feedback form, o ibang mga paraan, upang magbigay sa amin ng kakayahan na malaman ang mga interes ng bisita, na may hangaring magkaloob ng mas mas mahusay na serbisyo.
Mobile Information at Pahintulot sa SMS
Ang mobile phone number at pahintulot na ibibigay mo kapag pinili mong pumasok sa aming SMS Program ay ginagamit lamang upang maghatid ng mga tekstong mensahe na hiniling mo mula sa LA County RRCC.
Hindi kami nagbebenta, nagrerenta, o nagbabahagi ng SMS opt-in data o pahintulot sa alinmang ikatlong partido o kasapi para sa kanilang pagpapalaganap. Lahat ng nasa itaas na kategorya ay hindi nagsasama ng tekstong pagmensahe o originator opt-in data at pahintulot; ang impormasyong ito ay hindi ibabahagi sa alinmang ikatlong partido, hindi kabilang ang mga aggregator at tagapagkaloob ng mga serbisyong Tekstong Pagmensahe na ginagamit upang patakbuhin at ihatid ang Programa (tulad ng aming plataporma ng pagmensahe at ang mga wireless carrier).
Maaari kang lumabas sa SMS Program kahit kailan sa pamamagitan ng pagsagot ng STOP sa 528683. Para sa mga tanong, sumagot ng HELP o kontakin ang (800) 815-2666.
Mga link sa Hindi Los Angeles County (Ikatlong Partido) na mga Website
Ang aming website ay naglalaman din ng mga link sa impormasyon na matatagpuan sa mga website na pinananatili ng ibang mga pampublikong ahensya at pribadong organisasyon. Sa sandaling nag=access ka ng isang indibidwal na dokumento na nag-uugnay sa iyo sa ibang website, ikaw ay napapailalim sa patakaran sa pagkapribado ng website na naglalaman ng dokumentong iyon.
Disclaimer sa Seguridad
Hindi namin maigagarantiya o matitiyak ang seguridad ng anumang impormasyon na ibinigay mo sa amin, at inihatid mo ang naturang impormasyon sa amin na alam ang panganib.
May Bisang Kasunduan sa Lisensya
Itong Patakaran sa Pagkapribado, kasama ng Mga Karapatan ng Gumagamit/Terms of Use, Disclaimer at anuman at lahat ng mga patakaran sa gumagamit ng Website na ito, ay nagtatatag ng isang may bisang kasunduan sa lisensya na namamahala sa iyong paggamit ng Website na ito. Sumasang-ayon ka na sumailalim sa lahat ng bahagi ng mga patakarang ito. Kung hindi ka sumasang-ayon sa alinmang bahagi ng Patakaran sa Pagkapribado na ito o alinmang ibang patakaran ng Website, hindi ka maaaring gumamit ng Website na ito. Sumasang-ayon ka rin na kilalanin na ang anuman at lahat ng mga tadhana sa Patakaran sa Pagkapribado na ito, sa Mga Karapatan sa Paggamit/Terms of Use, Disclaimer at anuman at lahat ng patakaran ng Website na angkop, ay nagsasama at para sa benepisyo ng Fenton Communications, Inc. (“Fenton”) at Customer.io at na ang anuman at lahat ng pagtukoy sa “County” ay dapat kasama ang Fenton at Customer.io.